NILISANG PUGAD
(Para sa aking Ina)
Nagliparan na ang mga ibon,
at iniwanan na ang kanilang pugad,
tulad ng maagang pagdating
ng tag-lamig sa iyong buhay.
Tignan ninyo, Inang! Masdan ninyo!
Malalakas na ang mga ibong kamakaila’y
sisiw pa lang --- sila’y nagliparan na
patungong kung saang isang dipang langit
at di malamang malayong sulok
upang di na muling magbalik sa pugad
ng kalungkutan, pugad na nilisan,
isang bahay na wala nang laman.
O Inang. Pinakamamahal kong Ina!
Nagliparan na ang mga ibon,
at iniwanan na ang kanilang pugad,
tulad ng maagang pagdating
ng tag-lamig sa iyong buhay.
Tignan ninyo, Inang! Masdan ninyo!
Malalakas na ang mga ibong kamakaila’y
sisiw pa lang --- sila’y nagliparan na
patungong kung saang isang dipang langit
at di malamang malayong sulok
upang di na muling magbalik sa pugad
ng kalungkutan, pugad na nilisan,
isang bahay na wala nang laman.
O Inang. Pinakamamahal kong Ina!
No comments:
Post a Comment